SHARE :
First time kong sumama sa long ride,as in group long ride matagal ko ng pangarap yun mula nung natuto akong magdrive. Sarap kasi nilang tignan saka astig lalo at marami..
Ngayon wish come true na, at LMC ang nakasama ko sa unang ride ko.
SAd thing is,, nakakahiya dahil ako ang naging CAUSE of DELAY, na late kasi ako, from trece cavite lumipad ako ng Binan. 1:40am na kasi sa relo ko wala pa ko sa meeting place. Wooh kabado na ko 2am call time.. Hataw si windy (Wind125), Thanks God naka iwas ako sa pag Bangga sa mamang naka sidecar. (Wooh kung di ko naiwasan yun may pagkakalagyan sana ako that time) malapit na ko sa place may bumulaga namang aso sa daan!! Whew!! nasagasaan ko sya! the good thing is he survive (DOG). nakita lng namin iika ika.. tapo ayon nkatakbo na.. laki ng kaba ko!
Yun na nga 2:14 ako dumating.(hiyang hiya)
wala naman ako narinig na kahit na ano sa pagka late ko.

kaya Salamat naman.. hehe
sa unahan ko si Sir Barabas sa likod ko naman sir pinolo..
ang dami namin sarap tignan

sabi ko nga wish come true ganun pala pag isa ka na sa mga dati eh nakikita mu lang..
hataw dito hataw don.. pa gas dito pa gas don.. kwentuhan habang naka stop.
Ang madamot na mama sa Fort Magsaysay ang dahilan kung bakit nakaranas ng panaka nakang paglubog at pag ka PUTIK ang aming mga Motor..

Thrilling talaga.. Yun ang ADVENTURE..
Nung pauwi at nasa manila na (TAMA BA?).. awwww.. napakaraming mabibilis at malalaking sasakyan.. di ako pamilyar sa daan hataw na lahat hanap ako ng pede kong sundan,ayon muntik pang maligaw pa deretso pala ko sa Toll buti tumigil ako at ayon nakita ko sila sir bikeryu at jd ung group nila dun na ku sumabay. talagang wala akong alam sa daan dun..hehe..
nakarating naman kami sa starting point 2 palang andun.. tapos ayon sunod2 nang dumating.. weeew!

lakasan ng loob sa parteng yon ng kalsada .. hehe

sa takot kong maiwan naki hataw narin,,salamat at di bumigay ang windy ko.1st tym din nya ihh.. puro stock pa kaya alanganin ako..pero WE SURVIVE!!!
And i would take this opportunity nadin para mag pasalamat kina SIR DONG AT SIR TYRESE sa pagtulong na mai ANGAT ang motor kong si WIndy sa Malapot na putik..
at kay SIR PINOLO na nagpahiram ng Rain coat sakin,HAlf lang nabasa sakin.
at kay Sir DENz sa astig na VEST.. at syempre sa lahat ng mga SIR na nakasama ko sa 1st ride experience ko..

sa mga naka kwentuhan at naka piktyuran.. hehe
Dami pa kwento yun nalang muna..

SALAMAT LMC RIDERS!!
GOD SPEED LMC...!!!
Till next Ride and tambay..

:roadname: Frontliner ..