Kwento Mo
Page 34 of 34 • Share •
Page 34 of 34 •
1 ... 18 ... 32, 33, 34
Re: Kwento Mo
Kwento pa yung iba dyan.....
Dong- LMC Moderator

- Number of posts: 8294
Registration date: 2009-01-23
Re: Kwento Mo
Cycle-G wrote:Good day LMC!
Ako po ay may ikukumpisal sa inyo…
..asar na asar ako sa mga nagmomotor dahil napakadaming walang disiplinang riders (isama na natin ang mga tricycle drivers), lusot dito lusot doon kahit pula na ayaw pa rin paawat (o baka colorblind at ang tingin sa ilaw na pula ay green pa rin), lalo na sa lugar ng Belair, Greenfield at Paseo de Sta.Rosa (Laguna) na kung saan meron mga stoplights (kung familiar po kayo sa lugar). Napakarami rin riders na walang protective gears, na kung titingnan ang katawan ay wala naman laman (patpatin) panangga sa hindi inaasahang pagsemplang. Maaring hindi ko lang naiintindihan kung bakit ginagawa ng ibang rider ang mga ganitong gawain at maaring, may emergency, late na sa trabaho or appointment, o sadyang tawag lang ng kalikasan…. Buti nalang at meron mga grupo na gaya ng LMC na nagtuturo at humuhikayat sa mga miyembro na gawin ang tamang disiplina sa pagmamaneho ng motor.
Nakapagmaneho na rin ako ng motor, at napaka sarap ng pakiramdam ng mabilis na hangin na sinasalubong mo habang nagmomotor… ngunit sa ngayon ay wala akong motor at hindi na ako pwedeng mag-motor dahil sa aking kundisyon.
Ngayon na alam ko na meron mga grupo tulad ng LMC, mababago na ang aking pananaw sa mga nagmomotor sa daan at hindi lahat ng riders ay walang disiplina. Napakaganda ng layunin ng LMC, at sana’y pagtibayin at paigtingin ng mga namumuno ng grupong ito ang tamang paraan ng pagmamaneho ng motor at pag sunod sa batas trapiko.
Pasensya napo kung meron tinamaan, ang layunin ko lang po ay maging disiplinado ang mga motorist sa daan para na rin sa sariling kapakanan. Salam po at mabuhay ang LMC.
Thanks po. E paano nyo naman po nasumpungan ang website ng LMC..
_________________
LMC # 01
http://www.lagunamotoclub.com
Suzuki Raider 150R
Suzuki Shogun PRO 125
Yamaha Mio 115 Sporty
Page 34 of 34 •
1 ... 18 ... 32, 33, 34
Page 34 of 34
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum








