Welcome To Laguna MotoClub!
Visit our Tambayan every Saturday 6PM onwards @ Metro Ville Sta. Rosa Laguna in front of Iglesia Ni Cristo. Join us and be a part of Laguna MotoClub! Ride Safe!!!
LMC Tambay every saturday night @ Metroville, Sta. Rosa, Laguna. See you there...
Ito ay isang kwento patungkol sa isang tao na ang buhay ay binago ng Lord.
Siya ay isang napaka-yabang na tao. Gusto niya makaharap ang mga mayayabang para yabangan pa. (ang lufet nito). Pakiramdam niya siya lang ang magaling, marunong at ang bida sa lahat ng bagay.
Ang pananalita niya ay puno ng kasinungalingan, kalaswaan, at paninirang puri. Sa simula ng kanyang salita ay may pagmumura muna at tatapusin niya ang kanyang pangungusap ng pagmumura din.
Grabe naiimagine niyo ba kung gaano kasama ito at kung gaano kayabang itong tao na ito. Parang wala na pag-asa. Diretso ata ito sa impyerno (hehe).
Hanggat makakalamang e lalamangan ka nitong taong ito. As in madaya talaga kausap.
Nakupow, sa inuman, laglag na lahat siya tumatagay pa. kaya niya uminom simula 9 ng umaga hanggang 9 din ng umaga kinabukasan. Nagkakasakit na nga sige pa rin ang inom.
At hindi lang yun, nag-drugs(shabu) pa at marijuana(chongkee). Grabe wala pinaligtas na bisyo itong taong ito. Sigurado ako ninanakawan pa niya ang kanyang mga magulang para lang makapagdrugs o inom.
May banda siya. (kaya naman pala, basta musician, haha hindi naman lahat). Oo nagbabanda siya as in SEX DRUGS RAK EN ROLL. Kumpleto ang kabulastugan nitong tao na to.
Pero one time in his life naisip niya na hindi niya basta na-acquire yung talento na mern siya. Bigla niya naisip na meron nagbigay sa kanya nito, si Lord. Kaya nabanggit niya sa band niya na one day gusto niya ibalik k Lord whatever ang binigay niya na talento.
Makalipas ang ilang taon meron nag-invite sa kanya sa sa isang Born Again na church na friend niya. Tinanong siya kung gusto niya ibalik sa Lord yung talent niya at pumayag siya. Umatend siya hanggang nakilala niya si Jesus. Meron pala plano ang Diyos sa kanya hindi lang sa music. Hehe. Habang andun siya sa loob ng church, hinipo siya ng Lord at napaiyak siya at nanalangin. Kinausap niya ang Lord.
This is his prayer:
LORD I WANT TO FOLLOW YOU. PERO LORD SOBRA DAMI NA NG MGA KASALANAN KO. SANA MAPATAWAD MO PA AKO, HINDI KO KAYA MAGBAGO, HINIHILING KO LORD NA BAGUHIN MO AKO. SANA TANGGAPIN MO KO KAHIT NA NAPAKARUMI KO. TINATANGGAP KITA BILANG AKING DIYOS AT SARILING TAGAPAGLIGTAS. MAG-HARI KA SA BUHAY KO.
Simula ng makilala niya si Jesus, nung araw ding yun, 5 years na, hindi na siya naglalasing, as in kahit tikim lang, wala na drugs, yosi, chicks, pati sa pananalita niya nawala yung mga pagmumura. Patuloy siya naglilingkod sa Diyos hanggang ngayon.
Tunay nga na si Lord lang ang makapagbabago sa atin. Kailangan lang nating isuko ang ating buhay sa Lord gaya ng ginawang pagsuko ng buhay ni PIKON sa Lord.
IKAW................Handa ka bang isuko kay Lord ang buhay mo?
Last edited by PIKON on Fri Oct 30, 2009 10:22 am; edited 1 time in total (Reason for editing : TYPOGRAPHICAL ERRORS)